Inihalintulad ang kamatayan ni Kian delo Santos kay hesukristo.

Ang sabi ni Archbishop Pablo David kanyang inahalintulad ang kamatayan ni Kian delo Santos sa Panginoong hesukristo na pinako sa krus na walang kasalanan. Si Kian ay walang kasalanan at pinaslang ng walang kalaban laban ng mga pulis.

Sa sermon ni Archbishop David magsilbing aral sana sa gobyerno ang mga nangyayaring patayan sa bansa na dapat tigilan na at huling biktima nasa si Kian dahil wala itong magandang maidudulot upang mapaganda ang kinabukasan ng bansa.

Ibinahagi ni Bishop David ang nakatala sa bibliya ang John 3:16 kung saan ganun nalamang ang pagmamahal ng ama sa sanlibutan kaya ibinigay niya ang kanyang bugtong na anak upang iligtas ang sanlibutan.

At kanya pang sinabi na hindi nag iisa ang mga naulilang ama at ina ni Kian na sina Zaldy at Lorenza Delos Santos. Marami ring mga kabataan sa CAMANAVA na dinukot lang at pinatay ng mga naka bonet.

At ang sabi pa ni Bishop lumuha ang langit dahil namatay ng walang kalaban laban ang isang grade 11 student.
At kanyang hinamon ang mga nabiktima ng EJK na ilahad sa publiko at huwag matakot.

Source: RMN